Nais makabalik ni Tuñacao
July 20, 2001 | 12:00am
Sisikapin ng dating world flyweight champion Malcolm Tuñacao na muling makabalik sa kanyang nakatakdang pakikipaglaban kontra sa kasalukuyang WBC International flyweight champion Randy Mangubat sa Hulyo 28 sa Casino Filipino sa Parañaque.
Tinaguriang "Fist of Fury sa Casino Filipino-Parañaque" ang Tuña-cao-Mangubat encounter ang siyang highlight sa triple WBC international championships na inilinya ng Elorde International Productions sa pangunguna ng kilalang boxing promoter na si Gabriel "Bebot" Elorde Jr., at suportado ng PCSO at Thunderbird.
Ang dalawang iba pang bouts ay magtatampok naman kina junior flyweight champion Juanito Rubillar kontra Japanese Takahiko Mizuno at bantamweight title holder Ricky Gayamo ng Baguio City na makikipagbasagan naman ng mukha kay Abner Cordero.
Idedepensa ni Jovan Presbiterio ang kanyang Philippine Junior flyweight title kontra challenger Sukarno Banjao ng Cadiz City sa supporting bout.
Kailangan ng 23-an-yos na si Tuñacao na ma-knockout si Mangubat upang maagaw ang titulo na siya niyang magiging tuntungan upang muling makabalik sa dati niyang puwesto sa lehitimong world division.
Sa parte naman ni Tuñacao, ibig niyang burahin ang alaala ng ma-sakit na pagkatalong nalasap noong Marso nang siya ay agad na patulugin ni Pongsaklek Wonjongkam ng Thailand na dahilan upang mawala sa kanya ang hawak na titulo sa 1st round.
"Gusto kong patunayan na kaya kong makabalik, at ang laban kong ito kay Mangubat ay napakahalaga para sa akin. Kaya gagawin ko ang lahat at pinaghandaan ko itong mabuti at lahat ay gagawin ko para hindi na maulit ang nangyari sa akin sa Thailand na maagang natalo," wika ni Tuñacao.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended