^

PSN Palaro

Ikatlong regional qualifying leg ng Milo Marathon sa Naga City

-
Dadayuhin ng Milo Marathon ang bahagi ng South sa Bicol region sa pagdaraos ng kanilang ikatlong regional qualifying race sa Naga City sa Linggo, July 22.

Inaasahan na aabot sa 4,000 ang lahok sa Milo Marathon na ito na susuportahan rin ng Adidas kung saan nagsumite ng pinaka-malaking bilang ng delegasyon ang Bicol College of Arts and Trades na 850 runners.

Ayon sa College administrator Dr. Amparo Nieves, ang nasabing Milo race ay naging tradisyunal na competitive sports para sa kanilang mga mag-aaral.

"This year’s number of participants will be the biggest in our 9 years of hosting the Milo elimination race," ani local race organizer Mr. Pedro C. Lee na siyang overall chairman ng Naga City Sports Council.

Ang no-entry fee policy ni Mr. Lee at ng Naga City Sports Council ang siyang naging dahilan upang lumaki ang bilang ng mga sasaling runners. Ngunit ang karerang ito ay istrikto para lamang sa mga residente ng Bicol upang mabigyan ng pagkakataon ang region’s homegrown running talents.

Inimbitahan ang bagong halal na city mayor Jesse Robredo at city councilor Atty. John Bongat na maging panauhin sa race opening. Sila ay makakasama ng ilang movie at television personalities gaya nina Jake Roxas at Ann Curtis.

Si Mayor Robredo ang siyang magpapaputok ng baril na aasistihan ni Pedro Lee at national race organizer Rudy Biscocho.

Labing-walong paaralan na nakabase rito ang maglalaban-laban para ngayong taong Cheering Competition kung saan nahaharap sa mahigpit na laban ang Tabuco Central School ang kasalukuyang kampeon para sa korona.

Ngunit kumpiyansa ang school principal na si Cecil Ledesma na mapapanatili ng kanyang koponan ang korona ngayong taon.

Kasalukuyan ng ginaganap ang patalaan para sa karera sa linggo sa Aristocrat Hotel hanggang Hulyo 18.

Mahigpit na ipatutupad ang itinakdang araw.

ANN CURTIS

ARISTOCRAT HOTEL

BICOL

BICOL COLLEGE OF ARTS AND TRADES

CECIL LEDESMA

CHEERING COMPETITION

DR. AMPARO NIEVES

JAKE ROXAS

MILO MARATHON

NAGA CITY SPORTS COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with