Ito ang nabatid sa business manager ni Pacquiao na si Rod Nazario na kasama ng World champoion na panauhin sa lingguhang PSA Forum na lingguhang ginaganap sa Holiday Inn Hotel.
"Its really not a problem bringing the fight here in Manila because we dont need that much money to host Pacquiaos next fight in Manila like bringing Gerry Peñalosas crack at the WBC super-flyweight crown against Japans Masanori Tokuyama to Manila," ani Nazario.
Ayon kay Nazario, mas malaki ang hinihingi ng Japanese champion mula sa kampo ni Peñalosa. Its hinger by about 60% than what we would need in the case of Pacquaio," ani pa ni Nazario.
Si Pacquiao na tumanggap ng $40,000 sa kanyang huling laban sa Las Vegas kontra kay Lehlo Ledwaba, ay may garantiyang di bababa sa $100,000 sa kanyang unang depensa ng kanyang IBF title kontra sa kanyang challenger na posibleng si Enrique Sanchez ng Mexico na aalukin ng $20,000.
Ngunit sinabi ni Nazario na bagamat mas madaling makalikom ng humigit kumulang P6,000,000 sa pagho-host ng laban dito, ay sisikapin niyang gawin ang susunod na laban ni Pacquaio sa US para sa mas magandang exposure ng Pinoy ngunit kung hindi maaari ay dito na lamang sa Manila.
Hindi naman importante kay Pacquiao kung saan gagawin ang laban. "Kahit saan, basta ang importante ay ma-retain ko ang title. At kahit na sino din ang makakalaban ay handa ako. Maganda talaga ang kondisyon ko ngayon sa tulong ni Freddie Roach (ang kanyang Amerikanong trainer). Malaki ang naitulong niya sa akin."