8 koponan kumpirmadong lalahok sa Danny Espiritu Cup

Walong koponan sa ngayon ang nagkumpirma na ng kani-kanilang paglahok sa NBC-3rd Danny Espiritu Cup basketball tournament na magsisimula sa Hulyo 7 sa Makati Coliseum.

Ito’y ang University of Manila, Wangs Ball Club, Philippine Army, Spring Cooking Oil, Hub Cafe Internet, G.P. Maryson, MAPSA at PCCr.

Gaganapin ang pre-opening at managers’ meeting sa alas-5 ng hapon sa Hulyo 5 sa Wild Duck Restaurant sa Roxas Boulevard. Iniimbitahan ang iba pang koponan na dumalo sa nasabing pulong. Para sa iba pang detalye makipag-ugnayan sa project director Rolando P. Tumapat (tel. no. 7430810) at Angelo Peñaranda (tel. nos. 8513109/8513110) o kaya sa tournament commissioner Mar Morelos (cel. no,. 09179351510).

Ang cagefest na ito ay hatid ng Spring Margarine, Tanduay Rhum at Wild Duck Restaurant at suportado ng Milo.

Show comments