Ito’y matapos na katigan ng Department of Justice (DOJ) ang petition ng 33-anyos na si Taulava na humihiling na siya’y kilalanin bilang isang Filipino citizen sa dahilang isang Filipina ang kanyang ina na mula sa Northern Samar.
Una ng hiniling ni Taulava sa DOJ at Bureau of Immigration (BI) sa pama-magitan ng isang petition noong Setyembre 29, 1998 na siya’y makapanatili at makapaglaro sa bansa sa ilalim ng koponan ng Mobiline.
Nakumpirma ang pagiging Filipino ng Fil-Tongan cager sa pamamagitan ng 1973 Constitution na siyang pinagba-sihan ng DOJ kung saan nakasaad dito na mayroon karapatan na maging isang Filipino citizen si Taulava dahil ang kanyang ina na si Pauline Hernadez Matyeaki ay ipinanganak at lumaki sa bansa kung kaya’t maituturing itong lehitimong Filipino.
Si Taulava ay anak nina Pauline at Pauliasi Pulupaki Taulava at ipinanganak noong Sept. 11, 1968 sa Tongan.
Isa pa sa dahilan ng pagkumpirma ng pagiging Pinoy ni Taulava ay ang mga bagong saksi na nakakikilala sa kanyang ina nang ito ay manirahan sa Catarman at San Jose, Northern Samar kung saan dito rin siya ipinanganak bago nangibang bansa.
Matatandaan na si Taulava ay ipinatapon sa bansa ng BI noong nakaraang taon matapos na mabigong mapatunayan ang ugat ng kanyang pagka-Pilipino matapos na makapaglaro ng 12 games sa kanyang ikalawang season sa PBA.
Maglalaro na agad si Taulava ngayon sa nakatakdang engkuwentro ng Mobiline kontra sa defending champion San Miguel Beer upang makatulong ng import na si Jerod Ward.
Bukod sa pagbabalik sa aktibong paglalaro, nakatakda ring magpakasal si Taulava sa kanyang girlfriend na si Ma. Ana May Corveau na nakapagsilang na ng isang sanggol na babae na pinangalanang Asiana at nakatakdang binyagan sa susunod na buwan.