^

PSN Palaro

Pinoy boxers overall champion

-
Tumapos ng impresibong performance sa kanilang unang international stint sina Lhyven Salazar at Rene Villaluz nang kapwa iuwi ang gintong medalya at ihatid ang koponan ng Pilipinas sa overall championship ng 22nd International Cup Acropolis international amateur boxing championship na nagsara dito noong Linggo sa Sporting Hall.

Binugbog ng 22-anyos na si Salazar, mula sa Bacolod ang kalabang si Tengiz Jumukhadze ng Georgia sa pamamagitan ng head blows sa opening bell upang itala ang 21-1 panalo sa light flyweight championship.

Ang tagumpay ni Salazar ay dinuplika ng Navyman na si Villaluz, 25-gulang nang kanyang igupo si Omar Salado Fuentes, 20-13 sa flyweight finals.

Ngunit ang panalo ng bansa ay bahagyang nalukuban ng lungkot matapos na kumawala sa mga kamay ni bantam Ferdie Gamo ang ikatlong ginto matapos na nakawan ng panalo ng mga judges kung saan hindi nabigyan ang Bago City pug ng mga puntos sa final round at yumukod sa Australyanong si Justin Kane, 12-15 at nakuntento na lamang sa silver.

Ngunit ang masaklap na kabiguan ni Gamo ay hindi nagpapigil sa kampanya ng Nationals para makopo ang titulo para sa teamchampions makaraang makakuha ng bronze medal si welterweight David Gopong.

Hinirang ang Team Philippines na ipinadala rito ng Philippine Sports Commission at Pacific Heights para sa kanilang kinakailangang international exposure na lider ng 13-nation, 15-team world ranking tournament.

Sa katunayan, halos nahakot ng host country na may lahok na tatlong koponan ang karamihang medalya sa kanilang naibulsang tig-walong ginto at bronze, ngunit ito ay hinati-hati naman sa tatlong koponan na nagbigay daan sa Filipinos sa 2-1-1 tally sa unahan.

Nag-uwi rin ang France, Russia at Australia ng tig-dalawang ginto, pero nabokya sila sa silver at ang huling ginto mula sa 12 na pinaglaban ay nakuha naman ng Hungary.

vuukle comment

BAGO CITY

DAVID GOPONG

FERDIE GAMO

INTERNATIONAL CUP ACROPOLIS

JUSTIN KANE

LHYVEN SALAZAR

NGUNIT

OMAR SALADO FUENTES

PACIFIC HEIGHTS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with