^

PSN Palaro

3 finals berth isinelyo ng Pinoy pugs

-
ATHENS, Greece-Pinaghatian ng Team Philippines ang nalalabing dalawang laro sa semifinals noong Sabado ng gabi upang iselyo ang tatlong finals berth sa 22nd International Cup Acropolis Amateur boxing championship dito.

Dinomina ng bantamweight na si Ferdie Gamo ang kanyang laban kontra kay Mark Moran ng England upang makarating sa finals sa pamamagitan ng 9-6 panalo, ngunit ang panalong ito ay natabunan ng lungkot matapos na malasap ng rookie internationalist David Gopong ang kanyang kabiguan kontra Australian Daniel Geale, 15-0 at makuntento lamang sa bronze.

Makakasama ni Gamo, 25-anyos na nadiskubre mula sa Bago City sa Bacolod sina light flyweight Lhyven Salazar at flyweight Rene Villaluz sa championship round.

Unang umusad si Salazar makaraang igupo si Roudik Kasanjian ng Cyprus, 65-54, habang nakakuha naman ng suwerte sa draw si Villaluz na naghatid sa kanya sa finals.

"While it was a bit frustrating to watch David (Gopong) show the tournament of this magnitude are quite convincing with their performance. Win or lose tomorrow, the rookies have given us more than what we expected," ani ABAP president Manny Lopez.

Ang pagkakapasok ng tatlong Pinoy sa championship sa Linggo (Lunes ng umaga sa Manila) ang naglagay sa bansa na mapasama sa top team sa 13-nation, 15-team annual world-ranking tournament na ito.

Apat na finalists ang lahok ng Georgia, habang tig-tatlo naman ang host Greece at England, habang ang iba pang nalalabi ay mayroong tig-dalawang finalists.

Makakaharap ni Salazar si Tengis Jumukhadze ng Georgia, sasagupain ni Villaluz ang Mexicanong si Omar Salado Fuentes, habang mapapasabak si Gamo sa Australyanong si Justin Kane sa ikatlong championship bout.

AUSTRALIAN DANIEL GEALE

BAGO CITY

DAVID GOPONG

FERDIE GAMO

GAMO

INTERNATIONAL CUP ACROPOLIS AMATEUR

JUSTIN KANE

LHYVEN SALAZAR

MANNY LOPEZ

MARK MORAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with