Impresibo rin ang kanyang ikalawang laro nang kumana ito ng 52 puntos kontra sa Red Bull sa kabila ng kanilang pagkatalo.
Maliban kay Antonio Lang, ang 6-6 na si Ward ay mas maraming impresibong credentials.
At sa katunayan, ang kanyang pangalan ay madaling matandaan sa basketball.
Ngunit para sa karera ng unang Player of the Week ng kumperensiya, ang mahusay na shooters ay nasilat ng dalawang di gaanong kilalang reinforcements.
At sa lingguhang pagkakaloob ng award ng PBA Press Corps, ang karera ay nasa pagitan lamang nina Nate Johnson at Terrence Badgett.
At si Johnson na aksidente lamang ang pagkakapunta sa defending champion San Miguel Beer ang siyang nanalo sa naturang citation.
Plano sana ni Johnson na mag-audition lamang para sa isang spot ng Ginebra, ngunit dahil sa di sinasadyang pagkakataon, di natuloy ang negosasyon ng Beermen at ni Terquinn Mott, gumiya sa San Miguel na maibulsa ang korona dalawang taon na ang nakalilipas, walang sinayang na sandali ang Beermen at kanilang hinugot si Johnson bilang import.
At di nga nagkamali ang Beermen sa kanilang naging desisyon nang kanilang kunin na kahalili ni Mott si Johnson.
At bilang patuloy, nagpamalas si Johnson ng impresibong debut game nang pumuntos ito ng 33 puntos at humatak ng 18 rebounds nang kan-yang ihatid ang Beermen sa 100-80 panalo kontra sa Purefoods TJ Hotdogs.
"He’s young but he works very hard," ani San Miguel coach Jong Uichico.
At sa ikalawang laro naman ng Beermen, muling pinatunayan ni Johnson na siya ay karapat-dapat na maging reinforcements ng Cojuangco franchise nang magposte ito ng 26 puntos at 14 rebounds, bukod pa ang limang assists, sumupalpal ng anim at nagnakaw ng bola ng apat na beses upang ihatid ang Beermen sa ikalawang dikit na panalo kontra sa Shell Velocity.
At kung mayroon mang import na makakatalo sa 23-anyos na si Johnson para sa nasabing citation, ito ay walang iba kundi si Badgett na siya namang naging kahalili ni Tee McClary.
Si Badgett ay rekomendado ni Sean Chambers na siyang nanguna sa kampanya ng Alaska Aces sa dalawang dikit ring panalo.