^

PSN Palaro

Semifinal slot ipinagkait ng Osaka sa Hapee sa PBL Chairman's Cup

-
Tinapos ng Osaka Iridologists ang kanilang kampanya sa 2001 PBL Chairman’s Cup sa pamamagitan ng 78-73 panalo na nagkait sa Hapee Toothpaste ng tsansang makahirit sa semifinal round sa Makati Coliseum kahapon.

Matapos ang siyam na sunod na kabiguan sanhi ng kanilang pagkakatalsik sa kontensiyon, naitala ng Iridologists ang ikatlong sunod na panalo para sa kanilang magandang pagtatapos bago magbakasyon.

Nalasap naman ng Hapee ang kanilang unang kabiguan sa quarterfinal round na ito at ikaanim sa kabuuang 12-laro kaya’t hindi nakaabot sa insentibong makipaglaban sa top team ng Group B na Pharmaquick kung masu-sweep ang four games sa quarterfinals.

Nakinabang sa panalong ito ng Iridlogists ang Drug Specialists na no. 1 sa Group B sanhi ng 7-5 record kaya’t tuloy na ang kanilang pakikipagharap sa Giv Beauty Soap para sa ikaapat at huling semifinals slot.

vuukle comment

DRUG SPECIALISTS

GIV BEAUTY SOAP

GROUP B

HAPEE

HAPEE TOOTHPASTE

IRIDLOGISTS

IRIDOLOGISTS

MAKATI COLISEUM

MATAPOS

OSAKA IRIDOLOGISTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with