Fil-Am cagers sa National team
May 27, 2001 | 12:00am
Ang pagbuo ng isang national team na magtatampok sa mahuhusay na Fil-American players ng bansa ang siyang siguradong makapagbibigay sa Philippines ng magandang tsansa para manalo ng gintong medalya sa Asian Games na nakatakda sa susunod na taon sa Pusan, South Korea.
Ito ang inihayag ng Philippine Basketball Association upang malampasan ang performance ng koponan sa nakaraang tatlong pagtatanghal ng quadrennial meet.
Simula noong 1990 Beijing Games, kinatawan na ng PBA ang bansa kung saan nanalo sila ng silver medal sa likod ng powerhouse China, bago lumagpak sa ikaapat na puwesto noong 1994 Hiroshima Games. At noong 1998 Bangkok Games, nakabawi naman ang Nationals ng kanilang makopo ang bronze medal.
Naniniwala si PBA chairman Ignatius Yenko na magiging malakas ang tsansa ng bansa sa mga regional cage at maipapamalas nila ang kanilang supremidad kung ang koponan ay babanderahan ng mga Fil-Am players na gaya nina Danny Seigle, Rudy Hatfield at maging ang rookie na si Mark Caguioa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended