Spring Cooking Oil ubos sa University of Assumptin

Nilampaso ng University of Assumption-Goldilocks ang Spring Cooking Oil kahapon sa iskor na 69-55 sa pagpapatuloy pa rin ng 1st Crystal Spring-PYBL Title Cup sa Makati Coliseum.

Nagawa ng Blue Pelicans na makisosyo sa unang puwesto sa University of Philippines-Waterfront, makaraang iposte ang 14 puntos na kalamangan sa huling canto na siyang naging tuntungan nila sa kanilang ikalimang panalo matapos ang anim na laro.

Sa kabila ng panalong ito ng U. of Assumption, bahagyang pinakaba sila ng Spring nang sa simula ng ikatlong canto nagpakawala ito ng 13-0 bomba at limitahan ang Blue Pelicans sa unang limang minuto.

Ngunit di pumayag ang Blue Pelicans at sa pamumuno nina Elbert Alberto at Welihado Da-yag, nagtulungan ang dalawa sa tinapos an 20 at 17 puntos, ayon sa pag-kakasunod upang dalhin ang kanilang koponan sa panalo.

Sa iba pang laro, bumangon naman ang National University sa tatlong sunod na kabiguan makaraang maungusan ang Whiz Super Oil Treatment, 88-84. (Ulat ni Carol Fonseca)

Show comments