De Guzman sinorpresa ni Soquino

CEBU -- Sinilat ni Janjie Soquino ang second pick na si Ian de Guzman, 5-7, 6-4, 6-1, upang pigilan ang pananalasa ng mga bisita sa 2001 Milo Junior Tennis Cup and Regional Workshop sa Sancase Tennis Club dito.

Umabante si Soquino sa boys’ 18-under division semifinals kontra sa isa pang Manila bet na si Gino Bautista na nagpatalsik naman kay Allan Alfafara, 6-3, 7-5.

Ang upper bracket ay makikipaglaban kay Johan Guba na nagwagi naman kay Carlo Oca, 6-1, 6-1 at James Dumoran na nanaig naman kay Arlou Soquino, 6-4, 6-3.

Sinorpresa din ni Gerry Huyo-A si No. 2 Julianito Jopia, 4-6, 6-1, 6-2 sa boys’ 16 under class upang makapasok sa huling apat na round.

Kakalabanin ni Huyo-A si Joseph Magbanua, na nanalo kay King Solon, 6-3, 4-6, 7-6; habang si Oswaldo Dumoran naman ay makikipagharap kay Soquino sa isa pang finals berth sa Milo netfest na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids.

Show comments