Back to back champ si Dacayo
May 5, 2001 | 12:00am
Ibinulsa ng 12th seed na si Luzzel Dacayo ng Cubao, Quezon City ang back-to-back title noong nakaraang Huwebes nang dominahin niya ang Girls’ Under 11-Age Group Active Open na ginanap sa Grandmasters’ Cafe sa Quezon City.
Isang araw matapos na manalo sa Girls’ Under 9 tourney, nagpakitang gilas ang 6-anyos na chessers nang magposte ito ng 5 puntos mula sa posibleng anim upang mangibabaw sa U-11 field. Muntik na niyang maitala ang perpektong record ngunit natalo siya sa No. 10 ranked na si Mary Jane de Jesus sa final round.
Nakuntento naman sa ikalawa at ikatlong puwesto sina top seed Lydia Rosalina Bermoy (5.0) at Kareen Bacardo (4.0), ayon sa pagkakasunod.
Sa kabila nito, nagtala naman si Nelson Mariano III ng 5.5 puntos upang manguna sa boys division.
Samantala, magsisimula ngayon ang Executive Chess Days.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended