^

PSN Palaro

Salvador, duminado ang 3rd leg ng Juniors Active Chessfest

-
Ipinamalas ng collegiate standout Roland Salvador ang kanyang husay kontra sa 52 manlalaro nang kanyang domi-nahin ang ikatlong edisyon ng Juniors Active Open na ginanap sa Grandmasters’ Cafe sa Quezon City noong nakaraang Biyernes.

Sumandig si Salvador, ang Board 1 player ng UST Tigers sa kanyang kahusayan sa buong laro upang itala ang 5.5 puntos sa 30-minutong chess showdown na inorganisa ng Philippine Chess Society.

Upang magpatuloy sa kanyang pananalasa, ginamit ni Sal-vador ang malakas na Modern Benoni kontra sa kalabang si Glynis Cruz sa opening bago sumulong ng French Defense upang igupo naman si Shercila Cua sa second round.

Sumunod na naging biktima niya si Dino Ballecer sa pama-magitan ng Sicilian.

Sa kabilang dako naman, napaganda ni Ivan Gil Biag ng Cavite ang kanyang tinapos na 26th puwesto sa ikalawang yugto ng Under-20 competition sa pamamagitan ng nalikom na limang puntos na panalo.

Iniuwi nina Jeffrey Daclan at Ballecer ang ikatlo at ikaapat na puwesto, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, isusulong naman bukas ang final at huling yugto ng Kiddies Active mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Kasalukuyan ng ginaganap ang patalaan para sa Age Group Active Chess na ang hostilidad ay magbubukas naman sa Mayo 2. Para sa mga detalye tumawag kay Joey Moseros at Nora Managuelod sa 9293583, 4142302.

AGE GROUP ACTIVE CHESS

DINO BALLECER

FRENCH DEFENSE

GLYNIS CRUZ

IVAN GIL BIAG

JEFFREY DACLAN

JOEY MOSEROS

JUNIORS ACTIVE OPEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with