Susi sa semis tangka ng SMBeer at Pop Cola
April 18, 2001 | 12:00am
Maigsing daan patungong semifinal round ng PBA All-Filipino Con ference.
Ito ang nais tahakin ng San Miguel Beer at Pop Cola Panthers na mapapasabak ngayon sa quarterfinals laban sa Batang Red Bull at defending champion Alaska Aces, ayon sa pagkakasunod.
Isang panalo lamang ang kailangan ng SMBeer at Panthers upang makausad sa best-of-five semifinal series at dahil taglay ang bentaheng twice-to-beat nangangailangan naman ang Thunder at Aces ng dalawang panalo tungo sa susunod na round.
Iiwasan ng Beermen at Pop Cola na matulad sa Shell Velocity at Purefoods na da-daan sa sudden death match kontra sa Mobiline Phone Pals at Barangay Ginebra, ayon sa pagkakasunod.
Naipuwersa ng Phone Pals at Gin Kings ang Game Two makaraang iposte ang 76-72 panalo kontra sa Turbochargers at 77-76 kontra sa TJ Hotdogs, ayon sa pagkakasunod noong magsimula ang quarterfinals noong Linggo.
Dahil kabilang sa top-four teams na nabiyayaan ng twice-to-beat advantage, may tsansa pa ang Shell at Purefoods sa Biyernes.
Matapos makuha ang certificate of confirmation mula sa Department of Justice, may permiso nang makapaglaro ang MBA-recruit na si Dorian Peña sa San Miguel Beer.
Bagamat magsusuot ng uniporme ng San Miguel, hindi pa tiyak kung makakalaro ang 6-foot-6 na si Peña, naglaro sa Pasig Pirates, dahil sa kanyang injury sa tuhod o harap na bahagi ng binti na nakuha nito nang siya ay naglalaro pa sa MBA.
Ang mananalo sa dalawang quarterfinals match-up na ito ang siyang maghaharap sa semifinals gayundin ang mananalo sa Mobiline-Shell Game at Ginebra-Purefoods duel. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended