RP team, pipiliin sa Mr. Philippines 2001
April 15, 2001 | 12:00am
Idaraos ng Philippine Federation of Body Builders, Inc. (PFBB) ang Mr. Philippines 2001 sa Abril 28 sa Pope Pius Center sa U.N. Avenue, Ermita, Manila.
Pipiliin sa Mr. Philippines 2001 ang miyembro ng RP team na kakatawan sa bansa sa 5th Southeast Asian Bodybuilding Championship na nakatakda sa Mayo 31 hanggang Hunyo 3 sa Mandaue City.
Pitong kategorya ang paglalabanan itoy ang flyweight (60 kgs.), bantamweight (65 kgs.), welterweight (70 kgs.), lightweight (75 kgs.), light middleweight (80 kgs.), middleweight (85 kgs.) at light heavyweight (90 kgs.).
Kinakailangan na ang mga kalahok ay gumamit ng dark posing trunks na suot ang dark blue o kayay itim na trunks at may sariling dalang music tape na gagamitin sa kanilang pagpo-pose.
May registration fee na P150. Ang pagtitimbang ay agad na isusunod matapos ang patalaan. Magsasagawa rin ng ramdom dope testing sa mga atleta kasabay ng pagtitimbang na siyang required ng International Olympic Committee.
Ang sinumang interesado ay maaring tumawag kay Enracio Tiu, chairman ng Mr. Philippines 2001 organizing committee sa Muscle Shop sa tel.nos. 5337160 at 5357358.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended