25th taon anibersaryo ng National Milo Marathon
April 12, 2001 | 12:00am
Ipagdiriwang ng National Milo Marathon ang ika-25th anibersaryo sa pamamagitan ng 42K marathon na gaganapin sa kauna-unahang pagkakataon sa Metro Manila qualifying event sa June 24.
Ang dating qualifying runs ay limitado lamang sa 20 kilometro ngunit ito ay gagawin nang buo sa taong ito.
Inaasahang mas magiging kapanapanabik ang karerang ito dahil sa mas dumami ang mga partisipante dahil maaari nang lumahok ang mga school running clubs.
Dahil dito, tiyak na magkakaroon ng rivalry ang mga paaralan hanggang sa marathon kung saan magkakaroon din ng cheering contest na dadaluhan ng mga celebrity runners.
Magkakaroon din ng iba pang sports exhibitions, games at iba pang nakakatuwang activities para sa mga bata.
Ginawa ng corporate sponsor Nestle Philippines na full marathon ang qualifying race dahil sa kahilingan ng maraming runners, ayon kay Milo Sports Executive Jackby Jaime.
Ang 42K route ay mula sa Manila, Pasay, Parañaque, Makati, Mandaluyong, San Juan at balik sa Manila via Edsa.
May time limit na 3-hours at 30-minutes para sa mga lalaki at 4-hours para sa mga babae para makasama sa national finals sa December 9.
Ang kasalukuyang Milo Marathon defending champions ay sina Allan Ballester at Christabel Martes na kapwa seeded na sa national finals.
Ang cash prizes para sa 42K ay P30,000, P20,000 at P10,000 para sa top three finishers ayon sa pagkakasunod sa parehong men at womens division.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended