^

PSN Palaro

Evangelista, PBAPC player of the week

-
Ilang minuto bago magsimula ang importanteng laban kontra sa Shell Velocity, hindi sumagi sa isipan ni Purefoods forward Rey Evangelista na may magandang mangyayari sa kanya.

"Basta, alam ko, kailangan kong tulungan ang team. Hindi ko naisip na gagawa ako pero alam kong kailangan kong mag-contribute, especially sa defense na kasinglakas ang kalaban," wika ng 6-2 na eksperto sa depensa. Naging bayani si Evangelista sa 81-72 pamamayani ng TJ Hotdogs kontra sa Shell na naging daan para makakuha ang Purefoods ng twice-to-beat advantage patungong quarterfinals ng PBA All-Filipino Cup.

Dahil dito, ibinoto si Evangelista para sa PBA Player of the Week ng PBA Press Corps upang talunin si Ali Peek na gumawa din ng magandang performance para sa Alaska Aces.

Walang naging espesyal na preparasyon si Evangelista bago ito tumuntong sa court kontra sa koponan na mataas ang pagtingin nito.

"Basta alam ko, talagang malakas ang Shell," ani Evangelista. "Malaki kasi ang motivation namin. Ever since, mahirap talagang pumasok sa semifinals pag wala kang twice-to-beat sa quarters. Kailangan mong talunin ng dalawang beses ang isang team."

"Kaya ‘yun pa lang, inspired ako. Siyempre, gusto naming pumasok sa finals. Mahirap man yon, mas madali naman kung twice-to-beat ka sa quarters," dagdag pa nito.

At dahil dito, umiskor si Evangelista ng 22 puntos laban sa Shell buhat sa 9-of-12 attempts mula sa field. Nagtala din ito ng 18 puntos sa unang tatlong quarter nang kunin ng Hotdogs ang 64-42 pangunguna patungong final canto.

"Nung pumasok yung mga unang tira ko, medyo naramdaman ko na umiinit na ako kaya medyo dumami yung attempts," ani pa ni Evangelista.

Umiskor si Peek ng 34 puntos at 14 rebounds para sa Aces ngunit higit na pumukaw ng pansin si Evangelista upang makuha ang citation para sa linggong Abril 2-8.

vuukle comment

ALASKA ACES

ALI PEEK

ALL-FILIPINO CUP

EVANGELISTA

PLAYER OF THE WEEK

PRESS CORPS

PUREFOODS

REY EVANGELISTA

SHELL VELOCITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with