^

PSN Palaro

Arlan, nakaseguro ng bronze sa Cordova Cardin Boxing Championship

-
Nagawang maipaghiganti ni Arlan Lerio ang pagkatalo ng kanyang nakababatang kapatid na si Danilo noong Huwebes ng gabi, habang nalasap naman ni Romeo Brin ang isang masaklap na kabiguan sa mga kamay ng isa ring Cuban fighter, ngunit sa puso ng mga local boxing fans siya ay magaang na nanalo sa hostilidad ng Cordova Cardin Boxing Championship sa punong-punong "Kid Chocolate" Gymnasium dito.

Lumasap ang 20-anyos na si Danilo, sumabak sa lightfly-weight class ng third round knockdown matapos na tamaan ng kaliwa kontra sa Cuban’s Yuriolki Gamboa, ngunit nagawa pa rin niyang tumayo, subalit tuluyang ng namaalam ang kanyang kampanya mata-pos ang 4-12 iskor ng kalaban sa opening bout ng 7-nation tournament na ito.

Dala ang matinding paghihiganti, madaling tinapos ng 24-gulang na si Arlan ang kanyang kalaban nang pigilan niya sa 24 segundo ng ika-apat at huling round ang Guatemala’s na si Carlos Lopez.

Bunga ng kanyang panalo, nakaseguro na si Arlan, gaya nina Danilo at Brin ay beterano ng nakaraang taong Sydney Olympics ng bronze medals.

Matapos na paghatian ng Lerio brothers ang kanilang laban, umakyat sa ibabaw ng lona ang 26-anyos na kaliweteng si Brin na underdog kontra Diogenes Luna ng Cuba, isang bronze medalist sa Sydney Games at gold medalist sa World Championship noong nakaraang taon sa Buda-pest.

Sa opening round pa lamang ng kanilang welterweight class, nagka-problema na kaagad si Brin nang sumapo ng sunod-sunod na suntok ni Luna, gayunman sinikap ng Pinoy na makabangon sa second round ng patamaan niya sa mukha ang Cuban ng soliding kaliwa may 1:28 ang nalalabi dahilan upang dumugo ang kanyang ilong at kinailangan niya ng isang ring physician.

At sa sumunod na tagpo, muling itinigil ng referee ang kanilang laban sa nalalabing 27 segundo ng third round dahil sa pagdurugo ng mukha ni Luna, ngunit sa pagbabalik ng laro, nagpalitan ang dalawang fighters ng mga suntok kung saan natapos ang laban na makikita na tabla ang iskor ng dalawa sa 20-all.

At dahil sa pagkasira ng computer system, ninombrahan ng jury ang limang judges--isa mula sa Philippines na si Darcito Teodoro, isang Spanish at tatlong Cubans--na magbotohan at ang naging resulta ay 4-1 pabor kay Luna.

ARLAN

ARLAN LERIO

CARLOS LOPEZ

CORDOVA CARDIN BOXING CHAMPIONSHIP

DANILO

DARCITO TEODORO

DIOGENES LUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with