Shell 2T Triple Trycicle King Challenge

BULACAN--Gugulong ngayong Sabado ang pinaka-hihintay na pagtatanghal ng Shell 2T Triple Trycicle King Challenge 2001 sa Meycaua-yan Commercial Center, ayon kay event organizer RACE Motorsports Club president Bing Bang Dulce kahapon.

Inilulunsad sa pakikipagtu-lungan ng Speedy Realty and Development Corp at St. Catherine Corp., at nina Vice Mayor Danny Javier, Boy Tan at Lito Flores, ang Shell 2T TKC ay isang driving skill contest kalakip ang eksperto, magalang at maingat na pag-mamaneho pati na ang kaala-man sa batas trapiko.

Nakataya sa event na ito ang malalaking premyo na kinabibilangan ng Best Dres-sed Trycicle bilang side event at libre ang patalaan para sa mga kalahok na tinatayang aabot sa 1,000 basta magdala lamang na basyo ng Shell 2T container. Para sa karagda-gang detalye tumawag sa 09178119337 o 09178340831.

Show comments