^

PSN Palaro

Narvaez at Dandan, umusad sa quarterfinals

-
Kapwa nagtala ng magaang na panalo sina third seed Miguel Narvaez at no. 4 Kyle Dandan upang umusad sa quarterfinals ng Philta Junior Classic 2 boys’ 14-under sa Rizal Memorial Tennis Center.

Pinabagsak ni Narvaez si Mark Christian Tan, 6-0, 6-2 habang dinispatsa naman ni Dandan si Zozimo Battad Jr., 6-1, 6-2.

Nakarating din sa round-of-8 sina Paul Arjay Nicolas na naghabol bago naitala ang 6-4, 3-6, 6-4 panalo kontra kay Jaime Ochoa na naunang nanalo kay Elijah Collado, 6-3, 6-0.

Sa boys’ 18-under class, nalampasan naman ni Patrick John Tierro ang mahigpit na hamong ibinigay ni Dino Ferrari para sa 6-0, 4-6, 6-3 panalo upang isaayos ang pakikipagharap kay no. 6 Art Philip Calingasan sa second round.

Nagtala naman si Chase Tinio ng 6-2, 6-2 panalo kontra kay Jamen Pacheco upang itakda ang pakikipagharap kay Johan Guba.

Ang iba pang first round winners ay sina Gino Bautista, Edwin Wilbur Agawin, Pius Ocampo, Paul Vincent Cruz, Alfred Paul Casareo at Allan Agulto.

Umangat naman sa boys’ 12-under quarterfinals sina Gerardo Narvaez na nagposte ng 6-3, 6-3 panalo kontra kay Christian Carlo Canlas at Russell Arcilla Jr., na nanalo naman kontra kay Rommell Enilo.

Sa girls’ 16-under division, tinalo ni Edelyn Balanga si Melissa Orteza, 7-5, 6-0; tinalo ni Katherine Flores si Kristel Samala, 6-2, 6-0; nalusutan naman ni Karen Reyes si Krissy Alina, 2-6, 7-6, 7-6; at dinispatsa naman ni Stephanie Cruz si Czarina Ledesma, 6-2, 7-6 upang makapasok sa quarterfinals.

Samantala, sumali si dating RP no. 1 Roland So sa mga players at coaches na makikibahagi sa 2001 Dunlop Summer Tennis camp na nakatakda sa Marso 26-Mayo 11.

Magsasagawa sina national coaches Johnny Jose, Martin Misa, Joey Torres, Victor Cribe, Totoy Alina, Art Cano at mga players na sina Jennifer Saret, Joanna Feria at Michael Misa ng araw at gabing sesyon sa North Greenhills Tennis courts sa San Juan at Manila Polo Club sa Makati (March 26-April 11), Tahanan Village Park sa Parañaque at San Juanico courts sa Ayala Alabang ( Abril 17-May 11) at El Ray Subdivisions sa San Ignacio, Laguna (Abril 16-May 11).

ABRIL

ALFRED PAUL CASAREO

ALLAN AGULTO

ART CANO

ART PHILIP CALINGASAN

AYALA ALABANG

CHASE TINIO

CHRISTIAN CARLO CANLAS

CZARINA LEDESMA

DINO FERRARI

DUNLOP SUMMER TENNIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with