^

PSN Palaro

Walang tatalo sa Laguna, pagdating sa STRAA

-
Pagdating sa larangan ng palakasan, wala pa ring tatalo sa probinsiya ng Laguna.

At muli, ipinamalas ng Laguna province ang kanilang supremidad ng ibulsa ang championship trophy sa elementary at high school levels ng Southern Tagalog Regional Athletic Association (STRAA) Meet 2001.

Iginawad ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang tropeo kay Laguna Governor Teresita ‘Ningning’ Lazaro sa closing ceremonies ng isang linggong meet na ito na hatid ng Department of Education, Culture and Sports (DECS) na ginanap sa New San Luis Recreational, Educational, Cultural and Sports (RECS) Village, Sta. Cruz, Laguna.

Ito ang ikatlong sunod na nakopo ng Laguna ang top place kontra sa 16 iba pang local government units (LGUs) sa Region IV sa elementarya at high school division.

Humakot ang Laguna ng 135 puntos sa elementary level at 360 naman sa high school division.

Pumangalawa ang Palawan at tersera naman ang Puerto Princesa City delegation bunga ng kanilang 125.25 at 111.5 puntos, ayon sa pagkakasunod sa elementary division.

At sa high school category, inumit ng Puerto Princesa ang ikalawang puwesto na may 128.5 puntos at sumunod ang Rizal na may 105.625 puntos.

Nanguna ang mga batang manlalaro ng Laguna sa athletics, baseball, taekwondo, gymnastics, arnis at karatedo sa primary at secondary levels. Napasakamay rin ng Laguna ang top spot sa basketball para sa lalaki at babae, volleyball sa lalaki at softball sa high school division.

CULTURAL AND SPORTS

CULTURE AND SPORTS

DEPARTMENT OF EDUCATION

LAGUNA

LAGUNA GOVERNOR TERESITA

NEW SAN LUIS RECREATIONAL

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA CITY

SOUTHERN TAGALOG REGIONAL ATHLETIC ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with