"Bata" Reyes, popular pa rin sa US
March 1, 2001 | 12:00am
Patuloy pa rin ang pagiging popular ni Efren "Bata" Reyes sa kanyang mga tagahanga, hindi lang sa sarili nitong bansa kundi maging sa Amerika sa kabila ng matagal niyang di paglahok mula sa US pool circuit na matagal niyang sinalihan dito.
Simula ng kanyang mapagwagian ang World Pool Championship sa Cardiff, Wales noong 1999, nag-uwi lamang ang kapitan ng Puyat Sports team billiard pros ng isang major title ang World 8-Ball Championship na ginanap sa Las Vegas na kanyang napagwagian sa ikatlong pagkakataon noong nakaraang taon.
At sa Pool & Billiard Magazines monthly On-Line Survey, si Reyes na tinaguriang "The Magician" ng mga Amerikano ang siyang No. 1 player na paborito ng mga tagahanga at kanyang tinalo ang multi-titled na si Johnny Archer, Earl Strickland at Buddy Hall, ang tatlong American players na nasa surveys kasama ng top 10 vote-getters. At si Allison Fisher, ang Woman Player of the Year ang siyang nanguna sa survey.
Noong nakaraang Disyembre, tinanong ng US publication ang sports fans ng :As a pool and billiard fan, who was your favorite pro player this year?"
At nandito ang top 10 vote-getters:
Allison Fisher. England/USA; Efren Reyes, Philippines; Johnny Archer, USA; Jeanette Lee, USA; Earl Strickland, USA; Gerda Hotstatter, Austria; Vivian Villareal, USA; Buddy Hall, USA; Karen Corr, Ireland/USA at Ewa Laurence Sweden/USA.
Ganito ring survey noong 1999 ng Social Weather Station (SWS) ang humirang kay Reyes bilang "most admired athlete" sa Pilipinas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended