^

PSN Palaro

Mapua, USLS umusad sa quarterfinals

-
Kapwa pinabagsak ng Mapua Institute of Technology 1 at ng University of St. La Salle-Bacolod 1 ang kani-kanilang kalaban kahapon upang makapasok sa quarter-final round ng Nestea Beach-Volleyball University Challenge sa CCP Complex.

Ilang krusiyal na depensa ang pinagana ng tambalang Albert Alano at Eliezer Collado ng MIT 1 upang igupo ang parehas nina Jamel Macasamat at Jerome Capada ng University of San Juan de Recoletos-Cebu, 12-9 upang makakuha ng isang slot sa susunod na round ng men’s division.

Mula sa 8-9 pagkakadikit ng iskor, gumamit sina Alano at Collado ng ilang mahuhusay na adjustments at depensa kung saan dalawang ulit nilang na-blocked ang tira ni Macasamat upang kunin ang huling apat na puntos sa kanilang laro na nagpalakas ng kampanya ng MIT 1 sa Group 3.

Nagpamalas naman ng intensibong laro sina Cecille Tabuena at Glenda Pintolo ng USLS-Bacolod upang payukurin ang tambalang Sherylyn Carillo at Abigail Latigay ng Letran College 1, 12-4 sa women’s side.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nakapasok si Tabuena sa quarter-finals matapos ang nakaraang edisyon kung saan naging bahagi siya ng koponan sa pagtatapos ng ikatlong puwesto.

Nakabawi naman ang De La Salle University 1 mula sa ikalawang set na pagkatalo upang igupo ang Letran 1, 12-4.

ABIGAIL LATIGAY

ALBERT ALANO

CECILLE TABUENA

DE LA SALLE UNIVERSITY

ELIEZER COLLADO

GLENDA PINTOLO

JAMEL MACASAMAT

JEROME CAPADA

LETRAN COLLEGE

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with