Aabot sa 100 lalaki at babaeng judokas mula sa ibat ibang clubs sa buong bansa ang inaasahang lalahok sa tatlong araw na event na inorganisa ng Philippine Amateur Judo Association at sanctioned ng Philippine Olympic Committee.
Kabilang sa mga prominenteng lalaki at babaeng judokas na magpapartisipa sa pitong weight divisions ay sina John Baylon, Abraham Pulian Arestotle Lucero, Sidney Schwarzkoff, Noemi Esguerra, Nancy Quillotes at Karen Ann Solomon.
Mahigpit na paborito sina Baylon, Pulia, Lucero, Schwarzkoff, Esguerra, Quillotes at Solomon na manalo sa kani-kanilang mga divisions sanhi ng kanilang malalim na karanasan kung saan kanilang kinatawan ang bansa sa ibat ibang international judo competitions.
Si Baylon ay kabilang sa miyembro ng 1992 Barcelona Olympics at nanalo ng apat na ginto sa SEA Games ay magpapakita ng aksiyon sa light welterweight category (minus 73 kilos), si Pulia sa lightweight (-60 kgs.), si Lucero sa half lightweight (-66 kgs.) at si Schwarzkoff ay sa middleweight (-90 kgs.).
Napagwagian ni Baylon ang ginto, habang sina Lucero, Pulia at Esguerra ay nag-uwi ng silvers sa 1999 Southeast Asian Judo Championship.
"The event promises to be exciting and interesting because the countrys top male and female judokas are seeing action. They are expected to dishout their god-given talents to be able to represent the country in the SEA Games in Malaysia in September," wika ni Judo Association president capt. Rey Jaylo.
Inaasahang dadalo sa opening ceremonies sina Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit at Philippine Sports Commission chairman Carlos Tuason.