Goma Cup papalo ngayon

Idedepensa nina veteran golfer Rodrigo Cuello at top-seeded balladeer Ariel Rivera ang kani-kanilang titulo sa pagbubukas ng annual Smart Zed Goma Invitational Golf Cup ngayon sa Fairways and Bluewater, Boracay.

Aabot sa mahigit 100 professional at celebrity golfers ang lalahok sa 11year-old tournament na ito na sponsored ng Smart sa ikatlong sunod na taon na may nakatayang P200,000 para sa professional division, habang ang 40th golfers na may kanya-kanyang ranggo ay tatanggap naman ng P11,000.

Kasama ni Cuello, isa ring two-time champion sa Hongkong Open na magpapakita ng aksiyon ang mga nakaraang taong tumapos ng 2nd at 3rd placers na sina Danny Zarate at Mars Pucay maging ang veteran golfers na si Ruben Sasotil, Richard Sinfuego, Robert Pactolerin, Ramon Brobio at Peter Menoza at iba pa.

Show comments