USLS yuko sa SWU
February 22, 2001 | 12:00am
Gaya ng dapat asa-han, pinayukod ng Southwestern University ang University of St. La Salle-Bacolod, 12-2 upang makapasok sa quarterfinals kahapon sa pagsisimula ng 5th Nestea Beach Volleyball University Challenge sa CCP Complex.
Kontrolado na agad mula umpisa hanggang sa matapos ang laban ng tandem nina Marie Kenneth Casio at Jannet Ponte na nangailangan lamang ng hindi bababa sa 10 minuto upang idispatsa ang pareha nina Carmela Arcolas at Karlyn Jacildo upang ma-sweep ang Group 1 ng women’s division.
Sa kabila ng pagkatalo ng USLS-Bacolod, maaari pa rin silang makapasok sa susunod na round na nakatakda sa Linggo. Kasalukuyan pang nakikipaglaban ang San Sebastian College 2 para sa nalalabing huling slot sa grupo.
Kinailangan muna ng pareha nina Pastricia Siatan at Sarah Fay Luna na maging matatag sa huling bahagi ng laro bago nila napatalsik ang De La Salle University na binanderahan nina Rochelle Chuacuco at Vanessa Yance, 12-10.
Umusad din ang mahigpit na paborito sa men’s division na University of Santo Tomas at Foundation College of Dumaguete matapos na igupo ang kani-kanilang kalaban na nagpalakas ng kanilang kampanya para sa susunod na round.
Pinabagsak nina UST’s Emilio Reyes at Adrian Pabellano ang Rizal Technological University team nina Jerry Lumingin at Ermie Mondres, 12-4, habang naka-ungos rin ang Foundation’s 1 nina Edward Balbuena at Isidro Bongcasan sa kalabang sina Ralph Mingueto at Kent Bulaban ng Foundation 2, 12-11.
Kasama pa rin sa kontensiyon para sa huling slot sa Group 1 ng men’s side ay ang losing team sa UST-Foundation 1 na nakikipaglaban pa sa Letran College 1, PATTS at Iloilo Doctors College.
Nabigo naman ang koponan nina Isabel Granada na siyang event top crowd-drawer at ang teammate na si Phoebe Magsino sa mas may karanasang SSC-2 squad, 2-12.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended