MCC Active Chessfest sisimulan sa Linggo

Sisimulan sa Linggo ang ikalawang yugto ng Metropolitan Chess Club 2050 below active chess tournament sa 2/F PCIBank Arcade, Greenhills Shopping center.

Ang naturang isang araw na event ay bukas para sa lahat ng beginners, unrated at rated players na may ratings na hindi bababa sa 2050.

Pipiliin ang top ten finishers sa pamamagitan ng seven-round Swiss System na ang magkakampeon ay tatanggap ng top prize P3,000. Magbibigay rin ng konsolasyon para sa best performers sa unrated at under-14 categories.

Ang sinumang interesadong partido ay maaaring magpatala sa lugar na pagdarusan ng tournament sa Linggo hanggang alas-9:30 ng umaga bago magsimula ang tournament sa alas-10. Para sa iba pang detalye tumawag sa 8268560.

Kasalukuyan namang tumatanggap na ng patalaan para sa high school competition na nakatakda sa Peb. 25.

Show comments