^

PSN Palaro

POC Executive Board nagbabala sa mga opisyal at atleta

-
Isang resolution ang ipinasa ng POC Executive Board kamakailan na nagbabala para sa lahat ng NSA (National Sports Association), officials, coaches at atleta na posible silang mabigyan ng sanction mula sa Ethics Commisison kung sakali mang sila ay gumawa ng gulo na magiging daan upang magkasira-sira ang sinumang NSA at POC officials.

Ang naturang Ethics Commission ay pangangasiwaan ni dating POC president Gen. Rene R. Cruz (ret).

Layunin ng POC na maayos sa magandang paraan ang anumang reklamo na base sa regular procedures gaya ng nakasaad sa POC Charter.

Isa sa naging negatibong aksiyon ay ang idinaos na rally ng ilang NSA officials na ginamit ang kani-kanilang atleta upang ipahayag ang kani-kanilang sintemiyento.

At sa nasabing resolution, tinukoy ng POC ang mga NSA officials, coaches at atleta na : 1. Nagdaos ng rally sa lansangan para lang idaing ang kanilang hinanakit sa kani-kanilang sports na kinaaniban at ikalawa ang pagkakasangkot ng isang NSA sa pagpapagamit sa pulitika ng isa pang NSA na layuning makasira sa NSA o kaya’y sa NSA official.

At patungkol sa naganap na rally kamakailan, nakasaad sa resolution ang " The POC is disappointed by the manner and behavior of such individuals who have disregarded the process laid out by the POC for handling of such compliants and deprived the parties concerned of the opportunity to represent their own side in the proper forum."

CRUZ

ETHICS COMMISISON

ETHICS COMMISSION

EXECUTIVE BOARD

ISA

ISANG

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

NSA

POC

RENE R

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with