Programa sa National Cycling magiging aktibo

Dahil sa panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na miyembro ng Board of Directors at National Executive Officers of the Philippine Amateur Cycling Association (PACA), inaasahan na mas higit na magiging aktibo ang programa para sa National Cycling.

Ang mga bagong miyembro ng board ay pinanumpa ni Rep. Joey Hizon ng 5th District ng Manila sa VIP room ng Administration Building ng Rizal Memorial Sports Complex noong nakaraang Pebrero.

Inihayag din ng bagong administrasyon ang annual program aktibidades ng asosasyon na tinaguriang "2001 Cycling Odyssey" na isang serye ng malawakang mga road at track races. Ito ay pormal na inilunsad noong nakaraang Enero 28 kung saan may ilang mga karera na ginanap sa UP Elliptical Road, sinundan noong Feb. 4 Executive Race.

Susunod na gaganapin ang Roxas Blvd-PICC races sa Peb. 18 at nakatakda naman sa Mar. 11 ang invitational road race na inorganisa ng Samahang Siklista ng Mindanao. Isang Tour of Cavite, Tour of Bulacan at Visayan races na inaayos pa.

Ang naturang "2001 Cycling Odyssey" ay magiging prepa-rasyon para sa National Open Cycling Championships. Ang mananalo sa road at track meets ang siyang ilalagay patungo sa national training pool bilang preparasyon naman sa SEA Games sa Sept.

Show comments