^

PSN Palaro

Pacquiao - Senrima bout sa Yñares

-
Naiselyo na ni Gov. Casimiro Yñares at international boxing promoter Gabriel ‘Bebot’ S. Elorde, Jr. ang pakikipagnegosasyon para sa pinakamalaking boxing event sa taong ito.

Magbabalik si World Boxing Council (WBC) International Superbantamweight champion Manny Pacquiao sa Yñares Center para sa nalalapit na WBC International Superbantamweight Championships kontra sa Japan-born slugger na si Tetsutora Senrima.

Idedepensa ni Pacquiao ang kanyang titulo sa Pebrero 17 sa ikaapat na pagkakataon matapos nitong pabagsakin ang dating world champion at kapwa Pinoy na si Reynante Jamili noong December 18 sa Elorde Sports Center.

Ipinagmamalaki ni Pacquiao ang kanyang 32 fights na may 30 wins at 2 losses na kinabibilangan ng kanyang 21 knockouts habang si Senrima ay may 19-4-3 win-loss draw kabilang ang 10 KOs.

Bukod sa tampok na labanan nina Pacquiao at Senrima may dalawang championship bouts din ang nakatakda sa event na ito na hatid ng San Miguel Beer.

vuukle comment

CASIMIRO Y

ELORDE SPORTS CENTER

INTERNATIONAL SUPERBANTAMWEIGHT

INTERNATIONAL SUPERBANTAMWEIGHT CHAMPIONSHIPS

PACQUIAO

REYNANTE JAMILI

SAN MIGUEL BEER

SENRIMA

TETSUTORA SENRIMA

WORLD BOXING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with