Dumating kagabi si Duremdes buhat sa pagbabakasyon nito sa Estados Unidos tiyak na agad na itong makikipag-usap sa Aces.
Handa na ang kanyang pitong taong kontrata na nagkakahalaga ng P42 milyon maliban na lamang sa ilang maliliit na detalye.
Inaasahang mareresolba ngayon ang dalawang clauses sa kontrata ni 1998 MVP Kenneth Duremdes na di pa napagkakasunduan ng manager ni Duremdes na si Danny Espiritu at ng Alaska management.
Sa iba pang balita, inaasahang nakapili na rin ng bagong coach ang Purefoods TJ Hotdogs.
Sa iba pang balita, hinahanapan naman ng Purefoods ng Trade si Dindo Pumaren.
Ayon sa isa pang source, si Pumaren ay inialok ng TJ Hotdogs sa Tanduay Gold na masusing pinag-iisipan ito ng Tanduay management.
Sa iba pang balita, humabol naman sa PBA Annual drafting ang Fil-American na si David Friedhof matapos nitong ihatid kahapon ang kanyang DOJ confirmation na binigyan naman ng konsiderasyon ng PBA Commissioners Office kaya’t makakasama ito sa Annual Draft na gaganapin bukas sa Glorietta sa Makati.
Ayon kay Friedhof, napagkalooban na ito ng confirmation noong Martes, ang araw ng deadline, ngunit hindi nito alam na kailangan nitong ihatid sa PBA office.
Matapos mabasa sa mga pahayagan, kinuha ni Friedhof ang kanyang DOJ certificate at inihatid sa tanggapan ng PBA para makasama sa gina-nap na briefing ng 57 aspirants kahapon na pinangasiwaan ni Commissioner Jun Bernardino. (Ulat ni Carmela Ochoa)