"Gusto kong magkasama kami uli ni Kerby kaya magiging masaya ako kapag ako ang napili ng Red Bull," ani Miller nang maging panauhin ito sa PSA Forum sa Holiday Inn Manila.
Ang 23 anyos na si Miller, naglaro sa Nueva Ecija Patriots sa MBA ay nagsabi din na hinog na siya ngayon para maglaro sa PBA na kanyang pangarap sapul nang siya ay bata pa.
"Palagay ko pagkatapos ng dalawang taon kong paglalaro sa MBA may experience at exposure na ako. Kaya nag-decide na rin akong sumali sa PBA. Makakasama ko pang maglaro si Kerby," dagdag ni Miller na nakikipag-ensayo na sa Red Bull.
Samantala, walang nadagdag sa 12-Fil-foreign applicants para sa PBA Annual Draft na gaga-napin sa Enero 14 sa Glorietta sa Makati.
Hanggang matapos ang office hours ng Philippine Basketball Association sa alas-5:00 ng hapon, walang humabol na aplikante para sa taunang drafting na may pinakamaraming bilang ng mga draftees sa kasaysayan ng liga.
Sa kabuuan, mayroong 64-cagers ang nagpalista, 32 mula sa Metropolitan Basketball Association at 13 mula naman sa Philippine Basketball League.
Gayunpaman, kina-kailangan pang rebisahin ng Commissioners ang mga aplikante kung ang mga ito ay kumpleto sa mga requirements. Ang mga Fil-foreign players ay kinakailangang magbigay ng confirmation papers mula sa Department of Justice, may eded na 23 sa June 30 o kayay high school graduate noong 1997 o degree holder.
Ang sinasabing magiging top pick na si John Arigo ay wala pang nai-papasang DOJ confirmation hanggang sa alas-6:00 ng gabi, kahapon ngunit naihabol naman nina Kenny Evans at Jeremy Aniciete ang kanilang confirmation papers.
Ang mga nakasisiguro na sa drafting ay sina Michael Hrabak at Joshua Lambert na bagamat wala pang DOJ certificate ay mayroon na itong pinanghahawakang Philippine passport.
Sinasabing wala pang DOJ confirmation ang mga aplikanteng sina Christopher Clark, David Friedhof, Jason Henkey, Jeffrey Mañebo, Dennis Decusin, Kenneth Gumpenberger at Francis Rosemeyer.