^

PSN Palaro

P162-M offer sheet ng Tanduay kina Aquino at Ildefonso

-
Sa pagtatangkang baguhin ang anyo ng Tanduay Gold Rhum at mapasolido ang kanilang kampanya, hindi lang ang coaching staff ang kanilang binihisan kundi tangka rin ng Rhum Masters na bigyan ng porma ang koponan sa pamamagitan ng pagsulot sa dalawang star players.

Hinainan ng lukratibong offer sheet ng Tanduay ang 2000 MVP na si Danny Ildefonso ng San Miguel Beer at ang sentro ng Sta. Lucia Realty na si Marlou Aquino.

Isang napakayamang kontrata na tinatayang aabot ng P90 milyon para sa 15 taon ang inihatag kay Ildefonso habang tumataginting na P72-milyon naman ang alok kay Aquino para sa 12-taong paglalaro para sa Tan franchise.

Inaasahang makakagulo sa pagdedesisyon ni Ildefonso ang naturang alok ng Tanduay dahil nakipagkasundo na ito sa kanyang mother team at malapit na itong pumirma ng kontrata.

Matatandaang noong nakaraang taon, isang offer sheet naman ang tinanggap nito mula sa expansion team na Batang Red Bull na pinagmulan ng alitan sa pagitan ng Sta. Lucia Realty at Red Bull Thunder.

Ngunit matapos ang pakikialam ng PBA office, pumayag si Aquino na maglaro ng isang taon sa Realtors na siyang may right kay Aquino matapos itong makuha sa isang trade sa kampo ng Barangay Ginebra kapalit ni Jun Limpot.

Noong December 31, napaso ang kontrata ni Aquino sa Realtors at hanggang ngayon ay wala pa rin itong tiyak na koponang mapapaglaruan.

Pinainan ng Rhum Masters, ang kanyang dating koponan sa Philippine Basketball League bago ito umakyat sa pro-league, ng maximum salary na P500,000 kadabuwan sa unang taon at tataas sa mga susunod na taon.

May posibilidad itong tapatan ng kanyang mother team ngunit ayon sa isang impormante, posible ring hindi ito sa Realtors lalagpak.

Ayon sa source, kasalukuyang nakikipag-usap ang Sta. Lucia sa koponan ng Mobiline Phone Pals para sa posibleng trade.

Inihain ng Rhum Masters ang offer sheet makaraang sibakin ang coach na si Alfrancis Chua na mentor ni Aquino sa amateur loop. Ito ay pinalitan ni Derrick Pumaren. Sinibak din ang team manager na si David De Joya.

Samantala, matapos lisanin ni Pumaren ang Purefoods TJ Hotdogs, isa rin sa napipisil na pumalit sa kanya ang Shell coach na si Perry Ronquillo, ayon din sa isa pang source.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring naitatalagang coach ng Purefoods na nakatakda nang mag-ensayo sa Lunes.

Bagamat may kontrata pa si Ronquillo sa Shell, sinabi ng impormante na maaari itong mag-resign at tanggapin ang nabakanteng puwesto.

ALFRANCIS CHUA

AQUINO

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

DANNY ILDEFONSO

DAVID DE JOYA

DERRICK PUMAREN

ILDEFONSO

LUCIA REALTY

RHUM MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with