^

PSN Palaro

RP-Japan Friendship Games sa Cebu City

-
Tumulak patungong Cebu City sina PTBF Chair at Makati Vice Mayor Edu Manzano kasama ang presidente na si Boy Tingzon para sa opening ceremonies ng 2000 Philippine-Japan baseball Friendship Games na idaraos sa Lapu-Lapu Military Parade Ground.

Nakatakda ang mga laro simula bukas hanggang 29 at ito ay gaganapin sa iba’t ibang siyudad ng Cebu province.

Inaasahan ding dadalo ang mga special guest mula sa Provincial at City Government, Military establishment, Sports Association at Japanese community sa Cebu.

Ang naturang event ay iho-host ng Cebu Baseball/Softball Association sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Mr. Gaes Gacasan at ng De La Salle Alumni Association (Cebu Chapter) kasama si Chito Cusi bilang head.

Makakaharap ng Cebu teams ang mga bisitang koponan mula sa Lapu-Lapu, Mandaue, Mactan at Cebu Cities at nangako sila na isang kapana-panabik na laban ang kanilang ibibigay.

Ang Japanese delegation ay pangungunahan ng International Boys Nankyu Baseball Association (IBA), general manager Toshiki Tominaga at dala nito ang dalawa sa kani-lang star sa batang koponan mula sa Tokyo at Narita City.

Ang Narita team ay pawang mga All-Japan Champion sa Junior High School Division, habang ang Tokyo Team ay isang selection ng mga mahuhusay na manlalaro sa Tokyo District.

ALL-JAPAN CHAMPION

ANG JAPANESE

ANG NARITA

BOY TINGZON

CEBU

CEBU BASEBALL

CEBU CHAPTER

CEBU CITIES

CEBU CITY

CHITO CUSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with