^

PSN Palaro

Top seed Kazakhs player sinilat ng 13-anyos na Pinay

-
BAGAC, Bataan--Niyanig ni woman FIDE Master Arianne Caoilli ang top seed at Woman International Master Dinara Tuitebayeva, habang nakisosyo naman sa liderato ang National Master na si Oliver Barbosa sa pagpapatuloy ng Asian Continental Under 16 Chess Championships na ginaganap sa National Power Corporation Nuclear Power Village noong nakaraang Miyerkules.

Tinalo ni Caoilli ang higher-Elo rated at higher-titled Tuitebayeva para sa ikatlong pagkakataon upang masolo ang pamumuno sa itinalang kabuuang tatlong puntos matapos ang ikatlong rounds. Hawak ang malakas na bishop sa kalagitnaan ng laro, naipu-wersa ni Tuitebayeva ang Fil-Australian na sumuko makaraan ang 35 sulungan.

Sa kabila ng mataas na lagnat na umabot sa 41-degree at minsan-minsan na pananakit ng sikmura sa nasabing event, nagawa pa ring igupo ni Caoilli na may Elo-rated 2113 ang kalabang si Tuitebayeva, ranked number 19 sa daigdig para sa girl (under-20) chesser.

Sa murang edad na 13 anyos, naging ‘suki’ na ng Filipina Olympian ang Kazakhstan player .

Sa kalalakihan, nagawang makitabla ni Barbosa sa top spot nang kanyang talunin ang boys No. 1 seed Susan Megranto ng Indonesia.

Kasosyo ni Barbosa sina Luke Leong ng Singapore at Sander Severu ng Bacolod na pawang nagtataglay ng 2.5 puntos sa tournament na ito na hatid ng Pik-Nik Snack Foods, Inc.

Ginapi ni Barbosa, kasalukuyang ASEAN U-16 titlist at anchor ng Letran junior chess squad ang kanyang kalaban sa pamamagitan ng Sicilian Dragon moves.

Ang iba pang nanalo ay sina Christian Arroyo, Julius Joseph de Ramos at Bernard Templo na pawang nagtataglay ng 2 puntos at nagtala naman ng tig-1.5 puntos sina Jerommel Gabriel, Vic Neil Villanueva, Joel Valdez Jr., at Sadorra.

ASIAN CONTINENTAL UNDER

BARBOSA

BERNARD TEMPLO

CAOILLI

CHESS CHAMPIONSHIPS

CHRISTIAN ARROYO

ELO

FILIPINA OLYMPIAN

JEROMMEL GABRIEL

TUITEBAYEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with