Si Udomchoke, 19-anyos na miyembro ng Thailand David Cup team ay nangailangan lamang ng 55 minuto upang daigin si Ashley Fisher ng Australia, 6-3, 6-2.
Ito ang ikalawang sunod na finals appearance ng worlds No. 157 na Korean na natalo kay third seed Zbynek Mlynarik ng Austria, 6-4, 0-6, 2-6, noong nakaraang.
Ang worlds no. 343 na Vienna-based netter ay pinatalsik din si Udomchoke, 6-4, 7-5 sa semis.
"I have a 50-50 chance, ani Udomchoke, na ang title victories ngayong taon ay kinabibilangan ng dalawang yugto sa $25,000 tournament sa India at $15,000 event sa Jakarta.
Samantala, nasilat naman ng tambalang Yoon at Chung Jong-Sam ang top seed pair na sina Johan Du Randt at Willem-Petrus Meyer ng South Africa, 5-7, 7-6 (1), 7-6 (5), upang mapuwersa ng semifinal duel kina third seed Dominic Marafiote ng Austria at Lee Radavanovich ng New Zealand sa event na ito na suportado ng ITF Grand Slam Fund, Phinma Group of Companies, PSC, Wilson Balls, Manila Midtown Hotel at Viva Mineral Water.
Sina Marafiote at Radovanovich ay nagtala ng 6-4, 6-4, kontra kina James Auckland at Barry Fulcher ng Great Britain.
Sa iba pang laban, pinatalsik nina American Janathon Beardsley at Fischer ang second seed na sina Andrew Anderson at Rick de Voest ng South Africa, 7-5, 7-6 (6) habang namayani naman ang South African na si Donovan September at Udomchoke kina Simon Dickson at Ben Haran ng Great Britain, 2-6, 7-6 (2), 7-6 (8) para makumpleto ang Final four cast.