Humataw ang 25-anyos netter mula sa Boston, Massachusetts ng final aces upang tapusin ang laban sa isang oras lamang.
Unang ginapi ni Udom choke, ang 19-anyos na Thai Davis Cupper at kasalukuyang ranked No. 302 sa daigdig ang Australyanong si Ashley Fisher sa second round, 6-3, 6-2.
Ang iba pang umusad sa susunod na round ay sina top seed Yoon Yongil ng Korea, third seed Zbynek Mlynarik ng Austria at fifth seed Donovan September ng South Africa.
Itinala ng world’s No. 156 na si Yoon ang 7-0 (2), 7-6 (3) panalo kontra sa walang ranggong si Simon Dicksnon ng Great Britain upang itakda ang kanyang pakikipaglaban kontra sa kanyang kababayang si Chung Hee-Seok.
Pinatalsik naman ni Chung ang No. 8 na si Suwandi Suwandi ng Indonesia, 6-3, 7-5.
Nanalo naman sa pamamagitan ng default si Mlynarik kontra Jaroslav Levinksy ng Czech Republic upang ipuwersa ang kanilang quarterfinals showdown ni September na nagposte naman ng 7-5, 6-4 panalo kontra sa Filipino wild card Adelo Abadia.