Dayrit nanalo kontra GTK para POC prexy

Pormal ng nahirang na Pangulo ng Philippine Olympic Committee si Celso Dayrit makaraang manalo ito kahapon sa ginanap na botohan ng POC sa Philippine Columbian Association sa Paco.

Tinalo ni Dayrit sa halalan si Go Teng Kok, pangulo ng Philippine Amateur Track and Field Association nang makakuha ito ng 22 boto kontra sa 11 boto lamang ni Go.

Ang panalong ito ni Dayrit, natalo lamang ng isang boto sa napatalsik na si Cristy Ramos, apat na taon na ang nakalilipas ang bumura sa masa-mang imahe ng POC leadership.

Bukod kay Dayrit, nanalo rin ang iba pa niyang kapartido na sina Presidential Adviser at Taekwondo head Robert Aventajado, chairman; Steve Hontiveros ng bowling, first-vice president; Claudio Altura ng sailing, second-vice pres.; Benjamin Ramos ng rowing, treasurer; Noel Buenaventura ng gymnastic, auditor at ang mga council ay binubuo nina Rene Adad ng football, Tom Carasco ng triathlon, Freddie Jalasco ng basketball at Manny Lopez ng boxing.

Itinalagang secretary-general si Romeo Ribano ng squash.

Show comments