^

PSN Palaro

Neri pasok sa Milo National Finals

-
CEBU CITY--Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang maraming pagdaraos ng karera sa Cebu leg ng 24th Milo Marathon, pawang mga Cebuanong mananakbo ang nagdomina ng naturang event na ito noong Linggo.

Nakopo ng 20-anyos na si Rogelio Neri ng University of Cebu ang isang slot para sa National Finals sa Manila nang kanyang itala ang magaang na panalo, habang iginupo naman ni Irish Salatandol, isang 20-gulang mula sa South Western University sa Cebu ang kanyang mga kalaban sa women’s side.

Itinala ni Neri ang tiyempong 35:05 at ibinulsa ang P5,000 premyo, sumunod sa kanya si Tirso Pamaybay ng South Western University na may 35:12.

Nakipagsabayan si Neri, isang sophomore Criminology student, sa three-man lead pack kasama sina Pamaybay at defending champion Bowen Montecillo mula sa umpisa sa Cebu City Sports Complex, hanggang huling dalawang kilometro,at nagawa niyang kunin ang trangko upang solong tumawid ng finish line.

Pumangalawa naman sa kababaihan si Mertila Arias mula rin sa SWU na may tiyempong 44:25 at ang huling qualifying slot ay napunta naman kay Amale Mendoza.

vuukle comment

AMALE MENDOZA

BOWEN MONTECILLO

CEBU

CEBU CITY SPORTS COMPLEX

IRISH SALATANDOL

MERTILA ARIAS

MILO MARATHON

NATIONAL FINALS

NERI

SOUTH WESTERN UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with