Arcilla, kampeon sa Milo Open Tennis Circuit

Ipinamalas ng top seed na si Johnny Arcilla ang kanyang pamatay na porma upang ibulsa ang titulo sa men’s single kontra sa fifth pick na si Michael Mora III, 6-1, 6-4 kahapon sa Milo Open Tennis Circuit sa Rizal Memorial Tennis Center.

Tumanggap rin si Arcilla na nakopo ang kanyang ikatlong leg title matapos na manalo sa Legaspi at Palawan ng P33,000 mula sa tournament organizer na si Johnny Jose.

Nakakuha rin ni Arcilla, ang No. 1 netter ng karagdagang P9,000 cash bilang premyo nila ng katambal na si Mora .

Sa women’s singles final, pinayukod naman ni Jennifer Saret si Ziarla Battad, 6-0, 6-2 upang maisukbit ang kanyang kauna-unahang titulo ngayong taon.

Show comments