^

PSN Palaro

Pinoy chessers yuko sa Spain

-
ISTANBUL, Turkey -- Hiniya ni Grand Master Alexei Shirov na sana’y makakaharap ni Garry Kasparov sa 1998 World Championship si GM Joey Antonio upang igupo ng Spain ang Philippines, 3-1 sa ikaapat na round ng 34th World Chess Olympiad dito.

Nasukol ni Shirov, na umatras sa kanyang pakikipaglaban kontra Kaspa-rov makaraang mabigo ang organizers na bayaran ang kanyang prize money matapos na talunin naman si Vladimir Kramnik sa 10-game duel ang paboritong Karo Kann Defense ni Antonio na siyang dahilan ng kanyang pamamayani sa 31 sulungan.

Ang kabiguang ito ng Filipinos na nagrereklamo sa sobrang lamig ng lugar ng torneyo na karamihan sa mga manlalaro ay dumaranas ng sipon at ubo, ang nagdala sa kampanya ng bansa na makatabla mula sa 38th hanggang 53rd puwesto sanhi ng kanilang 9.5 puntos.

Sila ay nakatabla sa Amerika, Georgia, Bosnia-Herzegovina, Slovenia, Indonesia, Latvia, Macedonia, Italy, Canada, Egypt, Mongolia, Mexico, Bangladesh, Portugal at Belgium na may parehong record.

Hindi sapat ang nakuhang draw ni GM Bong Villamayor kontra sa 19-gulang na si Pons Vallejo sa board two upang umangat ang Filipinos.

Naungusan naman ni Comas Fabrego si NM Barlo Nadera sa Meran variation ng Slav Opening, habang nakipaghatian naman ng puntos si NM Ildefonso Datu kay Magen Badals.

Naitala naman ng Germany ang kanilang 3-1 pamamayani kontra sa Hungary upang makuha ang solong pamumuno sa men’s division sa kanilang ipinosteng 13.5 puntos.

Ang German’s ay may isang puntos na bentahe mula sa Israel na nanalo naman sa Cuba, 3-1.

Bumagsak naman ang Hungary na nahawakan ang pamumuno sa third round sa ikaanim hanggang ika-10th puwesto kasama ang Spain, Switzerland, India at England.

Nalasap naman ng Philippine women’s squad ang kanilang ikalawang dikit na kabiguan sa mga kamay ng Azerbaijan, 1-2. Ang tanging panalo ng RP women’s chesser ay mula kay Beverly Mendoza na nakaligtas kontra F. Babaeva sa 62 moves ng Ruy Lopez Opening.

ANG GERMAN

BARLO NADERA

BEVERLY MENDOZA

BONG VILLAMAYOR

COMAS FABREGO

GARRY KASPAROV

GRAND MASTER ALEXEI SHIROV

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with