^

PSN Palaro

Pinoy boxers lalahok sa World Youth under 19 Amateur Champ

-
Muling sisimulan ng Filipino boxers ang kanilang kampanya na muling maibalik ang karangalan sa kanilang nakatakdang pagsabak sa 11th World Youth Under 19 Amateur Championship sa Nov. 3-13 sa Budapest, Hungary.

Inaasahang matindi ang pagnanais ng limang papasikat na lahok ng bansa na ipamalas ang kani-kanilang potential upang makakuha ng puwesto para sa national pool na muling binuo ng ABAP matapos ang nakakadismayang kampanya sa Sydney Olympics.

"We’re ready to make our initial comeback," wika ni ABAP president Manny Lopez. "And we deemed it proper to start with our youngsters."

Sasabak sa aksiyon sa prestihiyosong meet na ito sina Warlito Parrenas (48kg.), Vincent Palicpe (51kg.), Junard Ladon (57kg.), Florencio Ferrer (60kg.) at Maximino Tabangcora (71kg.).

Hahawak sa koponan sina Ronald Chavez kasama ang World Championship silver medalist na si Roel Velasco bilang deputy.

Ang head of delegation na gagastusan ng Philippine Sports Commission, Adidas at Pacific Heights ay si Arsenic Lacson. Kasama rin sa koponan sina referee/judge Mar de Guia.

Sinabi pa ni Lopez na ang paglahok ng kan-yang mga boxers sa naturang tournament ay magbibigay sa mga batang boksingero, na pawang mga standouts ng National Youth Open sa Bago City noong 1998 ng exposure at karanasan na kinakailangan sa international competition.

Ito ang ikalawang pagkakaton na ang Filipinos ay lalahok sa kompetisyon na ito makaraan ang 13-taong pagliban.

AMATEUR CHAMPIONSHIP

ARSENIC LACSON

BAGO CITY

FLORENCIO FERRER

JUNARD LADON

MANNY LOPEZ

MAXIMINO TABANGCORA

NATIONAL YOUTH OPEN

PACIFIC HEIGHTS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with