^

PSN Palaro

Navy yuko sa sampaloc Chess Club

-
Pinayukod ng Sampaloc Chess Club ang dating lider na Philippine Navy upang maagaw ang pangunguna makaraan ang anim na rounds ng Greenhills Shopping Center Chess Team Championship sa GSC Complex sa San Juan.

Nakalubog sa 0.5-1.5, humatak ng panalo sina National Master Victor Cabrido at hindi kilalang si Razel Lagman sa Board 1 at 4, ayon sa pagkakasunod upang dalhin ang Sampaloc Chess Club sa 2.5-1.5 pamamayani na nagtulak sa kanilang biktima na dumausdos sa ibaba kasama ang dalawang iba pang naging biktima ng SCC na may 4.5 puntos.

Ang dalawang iba pa na maaaring umagaw ng top position sa nalalabing huling tatlong rounds ng nine-round Swiss System event na ito ay ang Marikina City at Cubao Knights.

Sumandig naman ang Marikina sa tikas nina Jose Manabilang at Rainer Labay na naglaro sa lower boards upang gulantangin ang Tabilog-Rivera Dumlao, 3-1, habang nagposte rin ang Cubao Knights ng ganitong panalo kontra sa University of Santo Tomas.

Nakipaghatian naman ng puntos ang Pilipinas Shell sa NDT Forwarder "B" upang manatiling hawak ang ikalawang puwesto sa kanilang apat na puntos kasama ang Philippine Army at Mayor Jimmy Fresnedi team.

Ginapi ng Philippine Army ang Angeles City, 3-1, habang naungusan naman ng Muntinlupa-based squad na sa kabila ng pagkawala ni NM Ildefonso Datu na kasalukuyang nasa Istanbul, Turkey para sa World Chess Olympiad ang Department of Trade and Industry.

vuukle comment

ANGELES CITY

CUBAO KNIGHTS

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

GREENHILLS SHOPPING CENTER CHESS TEAM CHAMPIONSHIP

ILDEFONSO DATU

JOSE MANABILANG

MARIKINA CITY

MAYOR JIMMY FRESNEDI

PHILIPPINE ARMY

SAMPALOC CHESS CLUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with