Cebu Gems vs Iloilo Megavoltz sa MBA finals
October 25, 2000 | 12:00am
Bukod sa nasungkit ang Intra-Con title kamakailan at hawak pa ng Cebu Gems ang season-best 13-game winning streak, walang dahilan upang hindi maligtasan ng Gems ang mahigpit na hamon na ibigay ng Iloilo Megavoltz sa kanilang krusiyal na laban upang makausad sa MBA Finals.
Dinala ng Gems ang winner-take-all match sa Cebu City Coliseum matapos na talunin ang Megavoltz, 91-86 sa Game Two ng kanilang best-of-three showdown noong Linggo sa Manila.
Ang mananalo ngayong araw na ito sa kanilang do-or-die game ang siyang makakaharap naman ng naghihintay ng Negros Slashers para sa best-of-five Southern Conference Finals.
Haharapin naman ng Southern champion ang ma-nanalo sa North sa pagitan ng Manila at San Juan sa best-of-seven series para sa National diadem na napag-wagian noong nakaraang taon ng Manila kontra Cebu.
Bagamat hawak ng Gems ang homecourt advantage, walang garantiya kung ano ang kalalabasan ng kanilang kampanya dahil noong una silang magharap ng Megavoltz sa Game One sa mis-mong balwarte ng Cebu, sila ay nagawang payukurin ng Iloilo, 100-98.
Muling sasandig ang Cebu sa opensa nina MVP contender Matthew Mitchell, Homer Se at Stephen Padilla, ngunit hindi rin pahuhuli ang IIoilo at ito ay tatapatan naman nina Vince Hizon na nagbalik na ang dating porma katulong sina Francis Aquino at Allan Salangsang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended