Kumpirmadong 8 teams pasok sa PBL conference
October 12, 2000 | 12:00am
Tanging walong koponan na lamang ang magpapakita ng aksiyon sa pagbubukas ng ikalawang kumperensiya ng Philippine Basketball League--ang Challenge Cup sa Nov. 4.
Sinabi kahapon ni PBL Commissioner Chino Trinidad noong Martes na walong koponan lamang ang papayagan ng liga na lumahok dahil sa nararamdaman niya na ang bilang na ito ang siyang ideal na dami ng mga koponan upang maging balanse at kompetitibo ang labanan.
Ang walong koponan ay kinabibilangan ng Chairmans Cup champion Welcoat Paints, Shark Energy Drink, Blu Detergent, Hapee Toothpaste, Ana Freezer, Montana Jewels, Pioneer Insurance at Osaka Health Clinic.
Ang Pioneer ay bubuuin ng buong miyembro ng Ateneo Blue Eagles sa pangunguna ni Enrico Villanueva at Richie Alvarez, habang ang Osaka ay babande-rahan naman ng kasalukuyang UAAP champion De La Salle Green Archers.
Kasabay nito, sinabi rin ni Trinidad na hindi makakalahok ang Bingo Pilipino squad sa susunod na conference matapos na bumoto ang board para sa pagbabalewala ng kanilang aplikasyon para maging regular member ng PBL.
Sa kabila ng nakapagbayad na ang Bingo Pilipino ng kanilang dues sa PBL nagdesisyon ang liga sa walong koponan lamang at isina-isantabi nila ang Bingonaryos.
Samantala, nagdesisyon na ang Photokina Marketing Corporation na hindi na nila ipagpupursige ang kanilang plano na muling sumapi sa PBL at sa halip at itutuon na lamang nila ang kanilang atensiyon sa PBA team ang Batang Red Bull dahil na rin sa eight-team limit ng PBL.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am