Nodado nakuha ang korona sa 8th ACMCF

Tinanggap ng 13th ranked na si National master Jerry Nodado ng Philippine Navy ang alok na grand masters draw ng kapwa niya master na si Rodolfo Panopio Jr., ng Phil Air Force sa seventh at final na round upang isukbit ang 8th Annual Codiñera Memorial Chess Festival open section na ginanap noong nakaraang linggo sa Greenhills Shopping Center.

Ipinoste ni Nodado na may NCFP 2210 rating ang impresibong 6.5 puntos makaraan ang pitong round na may 6 wins at isang draw na nagkaloob sa kanya ng unang open title at P8,000.

Pumangalawa naman ang third seed na si IM Ricky de Guzman na nanaig kay IM Richard Bitoon sa 32 moves..

Show comments