Napakinabangan ng JRC Heavy Bombers ang kanilang nakuhang ben-taheng twice-to-beat dahil may pagkakataon pa silang makasulong sa finals kung magagawa nilang igupo ang SSC Stags sa kanilang muling paghaharap bukas.
Nasayang ang eksplosibong 18-0 run ng Jose Rizal sa pagpasok ng second half na siyang dahilan upang maglaho ang 16-puntos na bentahe ng San Sebastian sa pagsasara ng first half, 38-34 nang maagaw ng JRC ang pangunguna sa 40-38.
Nakalapit pa ng hanggang limang puntos ang Bombers matapos ang basket ni Ernani Epondulan, 1:06 na lamang ang oras sa laro, ngunit hindi nila nasustinahan ang kanilang paghahabol.
Kasunod nito, naikunekta ni Paul Gerard Reguerra ang kanyang dalawang free throws at nagtala naman ng split shot si Christian Coronel para sa panigurong 58-50 kalamangan ng Baste tungo sa kanilang tagumpay.