^

PM Sports

Hoffman, Tolentino nakahabol sa Paris

Chris Co - Pang-masa
Hoffman, Tolentino nakahabol sa Paris
Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino

MANILA, Philippines — Lumobo na sa 22 atleta ang masisilayan sa aksiyon sa Paris Olympics — lampas na sa target ng Philippine Olympic Committee (POC) na mahigit 20 atleta.

Nadagdag pa sa lista­han sina hurdlers Lauren Hoffman at John Cabang To­lentino na pormal nang inihayag ng World Athle­tics.

Ito ang pinakamalaking delegasyon ng bansa sapul noong 1992 edisyon sa Barcelona, Spain.

“Target achieved,” ani POC president Abraham “Bambol” Tolentino.

Haharap na sa mas ma­laking hamon ang Team Philippines — ang manalo ng medalya sa Paris Olympics.

“Now to the most important goal—medals,” ani Tolentino.

May 26 atleta ang nag­­laro sa 1992 Bar­ce­lo­na Olympics kung saan su­mungkit ng tanso si boxer Roel Ve­lasco.

Bumaba ito sa 12 atleta noong 1996 Atlanta Games kung saan nanalo naman ng pilak na medalya si Man­sueto Onyok Velasco.

Mula noon ay hindi na nakapag-uwi ng medalya ang Pilipinas sa mga sumu­nod na edisyon — 20 atleta sa Sydney 2000, 15 atleta sa Athens 2004 at Beijing 2008 at 11 sa London 2012.

Noong 2016 sa Rio de Janeiro may 13 atleta ang Pilipinas kung saan nanalo si weightlifter Hidilyn Diaz ng pilak.

Tinuldukan ni Diaz ang pagkauhaw ng Pilipinas sa unang ginto sa 2020 Tokyo Olympics.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with