^

PSN Palaro

Pangulong Marcos napalaban kay Alex Eala

Mer Layson, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos napalaban kay Alex Eala
Nag-cheers ng Milo sina Pangulong ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Pinay tennis star Alex Eala.
Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Nakipaglaro ng tennis si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Filipina tennis star Alex Eala sa isang seremonyal na palitan ng bola sa Pasig Central Ele­mentary School nitong Martes.

Bahagi ito ng homecoming celebration ni Eala matapos ang matagumpay nitong kampanya ngayong 2026 at bilang bahagi na rin ng kanyang pagbabalik-bayan kasama ang Milo family.

Sa naturang exhibition, ilang beses na napunta sa net ang mga unang serve ng Pangulo. Gayunman, nagpatuloy siya sa pag­lalaro at nakapagbalik din ng ilang tira bago tuluyang hindi na nakasabay sa mabilis na laro ni Eala.

Ayon kay Marcos, na­ging masaya ang aktibidad kahit aminado siyang hindi siya bihasa sa tennis.

“That was a fun event kahit halatang napakabano ko sa tennis. ‘Di bale, so what? Basta sana ma-inspire ang mga bata. Kahit ‘yung Presidente hindi marunong, nagpupumilit maka-score,” ani Marcos.

Sinubukan din ni Education Secretary Sonny Angara na makipaglaro kay Eala at nakasabay sa ilang mabilis na palitan ng bola.

Sa kanyang mensahe, tinawag ng Pangulo si Eala na karangalan ng bansa at inspirasyon ng kabataang Pilipino.

“Alex, it’s always a joy to welcome you home, to see you, and to once again congratulate you for all that you have done and all your great achievements. We are all so, so proud,” aniya.

Binigyang-diin din niya na ang palakasan ay nagtatatak ng mahahalagang aral sa buhay, kabilang na ang disiplina, camaraderie, at grace.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Angara na ang tagumpay ni Eala ay nagpapakita ng potensiyal ng mga atletang Pinoy at kahalagahan ng pagkakaloob sa mga kabataan ng pagkakataon na diskubrehin at idebelop ang kanilang talento sa lara­ngan ng palakasan.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with